Showing posts with label strength. Show all posts
Showing posts with label strength. Show all posts

Thursday, December 8, 2011

The King of Tundun: An Autobiography


Yoko nang magpaka-artsy fartsy sa mga linya, yoko na din atang mag-ingles napapagod ang utak ko sa kakainggles. Pakshet ingles na nga sa trabaho pati ba naman dito. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang skwater at walang breeding na kalahati ng aking pagkatao si "Jepoy" kung si Eminem eh may Slim Shady na outlet niya ng lahat ng kawalanghiyaan niya at pagiging pasaway ako din meron. Kaya walang pakialamanan at basagan ng trip. Si Jepoy muna ngayon ang magsasalita. 


Oo sa tingin ko sopistikado akong tao, may galang sa babae, inglesero, may laman ang utak, nagbabasa at nakakaintindi ng libro(di gaya ng iba diyan nakikiuso lang), pero kung sa tundo ka lumaki at nagkamalay hindi malayo na dala mo pa din yung mga gawi at pag-iisip mo hanggang ngayon, medyo suppressed nga lang. Matagal bago ko nakuha yang sopistikasyon na yan napag-aralan ko sa sarili ko na bago maging tao ang isang tao dapat muna siyang magsimula sa di makatao o mababa pa sa tao na pamumuhay. Dahil sa paraan na yun niya tunay na maiintindihan kung bakit tayo hindi dapat umasal ng ganoon parati. 





Dati akong taong wala, walang pera, walang gelpren, walang magawa, walang pinapasukan na paaralan at walang pakialam. Sa madaling salita balahurang pataygutom na palamunin ng kanyang mahal na lola. Hindi ko ikinakaila o ikinahihiya yung mga bagay na iyon dahil, yung panahon na yon ang nagturo sa aking kung paano maging matatag at maging kapit ang paa sa lupa. Hindi ako marunong gumimik nun ang alam kong gimik eh yung inuman sa bahay o kaya sa kanto, tipong wasakan ng bahay alak, walang hindi pwedeng mamula ang hasang. Habang may atay ka pa may ginebra. Nagkakasya na ako nun sa mga ilang boteng gin pomelo o kahit anong maipanghalo. Sa ganon klaseng inuman ka lang makarinig ng mga halo-halong kwento na may kwenta at wala. Madalas may mga nanghihiram ng tapang sa alak naghahanap ng away, may mga umuuwihi, may mga gumagaling mag-ingles, may umiiyak, may mga hindi kumikibo. Sa ganoong gawi ko natutunan ang ibig sabihin ng pakisamahan, dun din ako natutong maging plastik dahil na rin sa iba’t ibang tao ang nakakasama ko natural hindi mo sila magugustuhan lahat, kaya kesa mapatrobol sige Oo na lang ng Oo, tawa kahit inis ayos lang yan basta lasing. 


Sabagay hindi naman talaga ako mahilig sa trobol ako yung tipo ng tao na kapag makakakita ng pagkakataon na tumakbo eh tatakbo. Tangina lugi eh bakit ipapangsangkalan yung mukha ko kung alanganin? Gulang lang yan. Sabi nga ng isang kainuman nun na sa tundo raw pag wala kang gulang mamamatay ka ng dilat. Totoo yan di lang sa tondo. Sa lahat ng lugar, panahon at oras kung wala kang kahit konting gulang mapaglalaruan at magogoyo ka lang, madalas kang pusoy. Hindi ko naman sinasabing manlamang ka o mang-apak ka ng tao hindi gulang ang tawag dun "dugas" yon. 

Yung tinutukoy kong gulang eh yung pag-iisip na kapag alam mong agrabyado ka o walang matinong patutunguhan yung balak mong gawin wag na lang, mas mabuti pang magkandaihit sila sa katatawa at kakantyaw na duwakang ka kesa naman luwa ang bituka mo o sabog ang bao ng ulo mo. Kaya kung lasing ka at tingin mo matapang ka, manapak ka o di kaya matulog ka para hindi ka makaperhuwisyo ng kapitbahay. 

Marami akong kilalang ganyan, mga tapang dami malakas ang loob maghanap ng away kasi may kasama, mga manduduro, yun tipo na anlakas magmura, manindak tapos pag naunahan tatakbo din pala kung di niyo kayang pangatawanan wag nang magtapang-tapangan pag nagkasubuan na mahirap nang umatras. Maraming bagay akong natutunan sa kalye bagay na hindi maganda pero marami ding maganda na tumulong humubog sa akin bilang tao.

 Sa pagiging taong wala ako nagkaroon. Dahil sa kawalan ng pera, ng gelpren pala ako nagkaroon ng utak, pangarap at determinasyon. Itinulak ako ng kahirapan sa paglaban dito, dahil nga naman na ayoko nang maging ganun habambuhay nagpursige ako kahit sargo ang uhog ko sa pagmamakaawa na pag-aralin ako ulet, kahit masakit na ang kamay ko kakasulat ng putanginang promisory note, kahit na nung mga panahon na nag-aaral na ako ng mabuti ako biglang napahinto at nanganib bumalik sa pagiging pataygutom, laban pa din. Sa kabutihang palad nabigyan ako ng trabaho, na sa una eh nilutsa ko at biglaang umalis dahil sa tingin ko eh hindi para sa akin. Nagkaroon ako ng bagong trabaho, balik telepono pa din. Doon ko na napagpasiyahan na kailangan ko munang tulungan ang sarili ko maabot yung pangarap ko, kailangan ko pala ng pera para may tutuntungan ako kapag sinubukan ko ng abutin. Laban pa din. 


Sa ngayon nakilala ko yung isang parte ng sarili ko na mas pino at sopistikado pero hindi ko naman siya kinompronta naging magkaibigan kami dahil sa tingin ko matutulungan namin ang isa’t isa. Jepoy, Jeps, Jeff, John, Jan, Jan Freud Segismundo Gallon iisa, marami, marusing, malinis, Astig. 

"I wrote this entry way back 2006 just wanting to share it again"


Sa mga naniniwala maraming salamat…Sa mga hindi Tangina niyong lahat! 

Jeps 

Monday, October 5, 2009

Of man's fortitude and the indomitable spirit


How does life go on after a tragedy? How do you really cope the loss of something or someone? A decade worth of blood sweat and tears lost in just one tragic day? A picture of a perfect family now missing a Father, a Mother, both Parents, Sisters, Brothers or a family pet. A dream house now a faint reflection of a water-filled nightmare soiled with mud. After the recent typhoon the working Filipino man's way of life has endured yet another blow. How do we really start over?

I was channel surfing for a few days now to see how are we faring after the recent tragedy and I have seen people who continue to smile and some who try to swallow the tears of pain and suffering, sometimes even of hunger and cold. Though these people really do not know how to start their lives again or the answers to the questions i have posted above, I can see a glimmer, a faint shine of a spirit that never falters amidst all that has happened. It may be as simple as conjuring up the courage to bury a parent or in some cases their own children. There is no greater pain than to see a parent accompanying their sons or daughters to the last refuge, but it is one act of great valor to see it to the end. There are some who has not yet figured out how they will continue to survive but has decided to continue no matter what's yet to come and with no certainty of how they can live by the day.

I first heard of the concept of the indomitable spirit from the late Sen. Benigno Aquino Jr. when i was doing me personal research on who he really was. In most of his speeches he refers to a spirit that never dies a passion and a penchant to fight for what is righteous and standing up after experiencing a life threatening blow and it burned deep in my mind. It best describes an underlying trait a Filipino has, which i thought did not exist or only exists inside heroes. But these ordinary people proved to me that we are capable of possesing that spirit. It inspired me to have one of my own and try to use it to be involved.

Truth is i was once "fashionably aware" as most of us are. There are some of us who express an air of charity and righteousness just to show that we are "In" with the times. Being really "involved" takes a great deal of effort from someone, you must feel what these people feel and try to invoke your real human nature. Not that of self-destruction nor self-preservation but that of brotherhood and kinship.

Those people whom i mentioned may have the spirit but the flame may fan out if the body endures too much. They need us or at least some help from us to get them through the day. Man's fortitude can only do so much but hunger and sadness can take it's toll. What can we really do? What can we really give?

Those are questions you will have to find answers for yourself...

(Xinhua/AFP Photo)